_ngayon
^

PSN Palaro

Buong bansa nagbunyi sa panalo ni Hidilyn

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Buong bansa nagbunyi sa panalo ni Hidilyn
Hidilyn Diaz
AFP/Vincenzo Pinto

MANILA, Philippines — Nagbunyi ang buong Pilipinas matapos gumawa ng kasaysayan si Hidilyn Diaz bilang kauna-unahang Pilipino na nakasungkit ng gintong medalya sa Olympics.

Matagumpay na nasikwat ni Diaz ang ginto nang pagreynahan nito ang women’s 55-kilogram division sa pamamagitan ng record-breaking performance.

Binuhat ni Diaz ang kabuuang 224kgs. mula sa 97 sa snatch at 127 sa clean and jerk. Ang total at clean and jerk ni Diaz ang bagong Olympic record.

Kaya naman lubos ang kasiyahan ng buong sambayanan na kaliwa’t kanan ang papuri kay Diaz matapos maitala ang kanyang pangalan sa kasaysayan ng Philippine sports.

Mula sa kilalang perso­nalidad sa sports at sa mundo ng showbiz gayundin ang mga sumasakay na mga pulitiko.

Kani-kanya ring congratulatory messages ang mga netizens dahil sa tagumpay na ibinigay ni Diaz sa Pilipinas.

Naging masaya rin ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) na nasa iba’t ibang panig ng mundo.

Taos-puso ang pasasalamat ni Diaz sa lahat ng suporta sa kanya mula noong nagsimula ito hanggang sa maabot ang mi­nimithing tagumpay para sa Pilipinas.

“Nagpapasalamat ako sa lahat ng prayer warriors ko. Nagbunga ang lahat ng pagsisikap ko sa trai­ning. Para sa Pilipinas ang tagumpay na ito,” ani Diaz.

Inihahanda na ang red carpet para sa pagbabalik ng bagong bayani ng bansa.

Sa katunayan, nakaabang na ang mga gantimpala nito kabilang na ang posibleng promosyon ni Diaz sa Philippine Air Force kung saan enlisted personnel ito.

HIDILYN DIAZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with