_ngayon
^

PSN Palaro

Diaz nasa cloud nine pa rin

Nelson Beltran - Pilipino Star Ngayon
Diaz nasa cloud nine pa rin
Hidilyn Diaz
Vincenzo Pinto/AFP

TOKYO - Halos dalawang oras lang nakatulog si weightlifter Hidilyn Diaz matapos sikwatin ang kauna-unahang Olympic gold medal ng Pilipinas sa kanyang panalo sa wo­men’s -55 kilograms class noong Lunes ng gabi.

“I slept at 5:30 a.m., woke up at 7 a.m. and I still couldn’t believe that I won a gold medal,” sabi kahapon ng 30-anyos na si Diaz sa isang virtual press conference mula sa Tokyo Olympics Village.

“Good morning, thank you, God,” dagdag pa niya.

Winakasan ng tubong Zamboanga City ang paghihintay ng bansa sa Olympic gold sapul nang lumahok noong 1924 sa Paris, France.

“The journey to the Olympic gold medal wasn’t easy, but it was made possible by the people behind Team Diaz, the government, the private sponsors, and the Philippine Olympic Committee for giving us athletes the opportunity to be here in the Olympics,” ani Diaz.

Binuhat ni Diaz ang 97- kgs sa snatch at 127kgs sa clean and jerk para sa kanyang total lift na 224kgs at angkinin ang Olympic gold.

Tinalo ni Diaz si Chinese world champion at record holder Liao Qiu­yun na may total lift na 223kgs kasunod si Zulfiya Chinshanlo (213kgs) ng Kazakhstan para sa silver at bronze medal, ayon sa pagkakasunod.

“Here’s the lady that we’ve waited for the past 97 years,” wika ni POC president Rep. Abraham “Bambol” Tolentino.

Sa apat niyang Olympic appearances ay kumolekta si Diaz ng isang gold at isang silver medal na nagmula noong 2016 edition sa Rio de Janeiro, Brazil.

Ang nasabing tagum­pay ni Diaz ang inaasahang magiging inspirasyon nina gymnast Carlos Edriel Yulo, boxers Nesthy Petecio, Eumir Felix Marcial, Irish Magno at Carlo Paalam na sikaping makuha ang Olympic gold.

Hangad ni Yulo ang ginto sa men’s vault matapos masibak sa paborito niyang floor exercise habang ilang panalo pa ang kailangan nina Petecio, Marcial, Magno at Paalam para umabot sa gold medal round.

Sa swimming kagabi, umabante si Re­medy Rule sa semis ng wo­men’s 200m butterfly matapos pumuwesto sa ika-15 sa kanyang oras na 2:12.23.

Sibak naman si Luke Gebbie sa men’s 100m freestyle bilang No. 36 sa kanyang oras na 49.64 segundo.

Ngunit sinira niya ang sariling Phl record na 49.94 segundo.

HIDILYN DIAZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with