_ngayon
^

PSN Palaro

Duterte may sorpresa kay Diaz

Pilipino Star Ngayon
Duterte may sorpresa kay Diaz
2021 Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz
STAR/ File

MANILA, Philippines — Malaking halaga ang balak na ibigay ni Pangulong Rodrigo Duterte kay 2021 Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz na aabot sa milyon-milyon piso, ayon kay presidential spokesperson Harry Roque.

Ayon kay Roque, iuukit sa kasaysayan ng Pilipinas ang pangalan ni Hidilyn at nangako si Duterte na magbibigay ng milyon-milyong piso sa sinumang makakapagbigay ng gintong medalya sa Pilipinas.

Pero tumanggi si Ro­que na tukuyin ang eksaktong halaga dahil posible pa aniya itong tumaas na karapat-dapat aniyang ibigay kay Hidilyn.

Sinabi rin ni Roque na kung ano man ang pagkukulang (sa suporta) noong nagti-training pa si Hidilyn ay tiyak na mababawi dahil sa ibibigay ng pamahalaan at ng pribadong sektor.

Idinagdag ni Roque na hindi mababayaran ng salapi ang tagumpay ni Hidilyn at sasamahan ng gobyerno ng pabuya ang kanilang pagbati sa kauna-unahang Filipina na nag-uwi ng gintong medalya mula sa Olympics.

HARRY ROQUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with