_ngayon
^

PSN Palaro

Hidilyn binuhat ang unang Olympic gold ng pilipinas

Nelson Beltran - Pilipino Star Ngayon
Hidilyn binuhat ang unang Olympic gold ng pilipinas
Binuhat ni Hidilyn Diaz ang unang ginto ng Pilipinas sa Olympics.

Petecio swak sa Quarterfinals; paalam umusad sa round-of-16

TOKYO — Tapos na ang mahabang paghihintay ng Pilipinas.

Inangkin ni weightlifter Hidilyn Diaz ang kauna-unahang Olympic gold medal ng bansa makaraang itala ang total lift na 224 kilograms sa women’s 55kg. event kagabi sa Tok­yo International Forum.

Tinapos ni Diaz ang pagkauhaw ng bansa sa Olympic gold sapul nang sumali sa quadrennial event noong 1924 sa Paris, France.

Kinailangan ng 30-an­yos na tubong Zamboanga City na kunin ang 127-kg sa ikatlo at huli niyang buhat sa clean and jerk para ungusan ang naunang itinalang 126kg ni Chinese world record-holder Liao Qiuyun.

Kasabay ng pagbitaw niya sa barbel ay bumuhos ang luha ni Diaz, ang 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medalist, bilang pagdiriwang.

Inaasahang tatanggap si Diaz ng cash incentives na P35 milyon mula sa Philippine Sports Commission (PSC), MVP Sports Foundation ni Manny V Pangilinan, San Miguel Corp. ni Ramon S. Ang at Rep. Mikee Romeo.

Ilang buwan matapos angkinin ang gintong medalya sa 2019 Philippine SEA Games ay nag-ensayo si Diaz sa Malaysia at hindi pa nakakauwi hanggang ngayon.

Samantala, buhay na buhay pa ang tsansa ng Philippine boxing team para sa gintong medalya sa Olympic Games.

Sa ikatlong araw ng Tokyo Olympics boxing competitions ay hindi pa rin nababawasan ang apat na boksingero ng Team Philippines.

Dinaig ni featherweight Nesthy Petecio si Taiwa­nese top seed Lin Yu-ting, 3-2, para umabante sa quarterfinals habang sinapawan ni flyweight Carlo Paalam si Brendan Irvine ng Ireland, 4-1, papasok sa round-of-16 kahapon sa Kokugikan Arena.

“Sanay po ako sa parehas (left and right). Kung saan ko siya tinatamaan, iyon ang ginagawa ko. Kapag nabantayan na niya iyon, doon ako lumilipat,” ani Petecio sa ginawa niya sa first round.

Makakatapat ni Petecio sa quarterfinals si Yeni Marcela Arias Castaneda ng Colombia.

Matagumpay naman si Paalam sa kanyang first-round assignment.

“Nauna nang sinibak ni flyweight Irish Magno si Kenyan Christine Ongar patungo sa round-of-16.

Sasalang si Magno kasama si middleweight Eumir Felix Marcial, nakakuha ng bye sa first-round eliminations, sa Huwebes kung saan puntirya nila ang semis berth.

HIDILYN DIAZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with