_ngayon
^

PSN Palaro

Japanese coach ni Yulo nanawagan ng suporta

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Japanese coach ni Yulo nanawagan ng suporta
Sina Japanese coach Munehiro Kugiyama at gymnast Carlos Yulo.
Larawan mula sa Facebook ni Munehiro Kugiyama

MANILA, Philippines — Bumuwelta si Japanese coach Munehiro Kugimiya sa mga bumabatikos sa naging performance ni Carlos Edriel Yulo sa paboritong nitong floor exercise event sa ginaganap na Tokyo Oympics.

Bigo si Yulo na makapasok sa finals ng floor exercise matapos ang ilang mintis na nagawa nito sa unang bahagi ng kanyang routine.

Nagtapos lamang si Yulo sa ika-44 puwesto bitbit ang 13.566 puntos kung saan tanging walong gymnasts lamang ang na­bigyan ng tiket sa finals.

Ang floor exercise ang parehong event na pinagha­rian ni Yulo sa FIG World Championships noong 2019 sa Stuttgart, Germany.

May ilan ang nadismaya sa performance ni Yulo.

Kaya naman sumaklolo agad si Munehiro na nagpost sa kanyang social media.

Ayon kay Kugimiya, huwag ibato ang kritisismo kay Yulo. Sa halip, siya na lamang ang sisihin.

“If you want to blame, please say to his coach. If you want to say waste, please say to his coach. He is the person who have res­ponsibility what he did. Athlete is always trying best. If it happen mistake, because of his coach. I’m the one his coach,” ani Kugimiya.

Gayunpaman, nakapasok si Yulo sa finals ng vault event kung saan magtatangka itong humirit ng medalya.

Inaasahang ibubuhos na ni Yulo ang lahat ng itinatago nito upang makasiguro ng podium finish sa Tokyo.

Naka-move on na si Yulo na tiyak na maraming natutunan sa experience nito sa kanyang first Olympic stint.

CARLOS EDRIEL YULO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with