_ngayon
^

PSN Palaro

Magnolia ‘di pa puwedeng magdiwang

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Magnolia âdi pa puwedeng magdiwang
Nagpipilit lumusot si Paul Lee ng Magnolia sa depensa ni L.A. Tenorio sa kanilang laban sa PBA Philippine Cup noong Linggo. PBA Image

MANILA, Philippines — Itinala ng Magnolia ang kanilang ikatlong sunod na panalo para makasosyo sa liderato ang Rain or Shine sa 2021 PBA Philippine Cup.

Ngunit wala pang dapat ipagdiwang, ayon kay coach Chito Victolero.

“Maganda iyong start, yes. But we remain humble, pero kailangan pa rin naming mag-trabaho kasi maaga pa,” wika ni Victo­lero matapos ang 89-79 pagbugbog ng Hotshots sa nagdedepensang Ginebra Gin Kings noong Linggo.

Nagtuwang sina Paul Lee at Ian Sangalang para iskorin ang walo sa huling 10 puntos ng Magnolia sa fourth quarter at pigilan ang pagdikit ng Ginebra (1-2).

Tumapos si Lee na may 22 points at may 17 at 15 markers sina Sangalang at Calvin Abueva, ayon sa pagkakasunod.

“We started on our defense. We have a goal and we achieved that goal on defense,” sabi ni Victolero sa pagiging defensive minded ng mga Hotshots.

Positibo naman ang epekto ni Abueva mula nang makuha ng Magnolia sa isang off season trade sa Phoenix.

“Basta naglaro na sa court iyan, all-out talaga iyong tao,” wika ni Lee sa tinaguriang ‘The Beast’ na humakot din ng 9 rebounds.

Pupuntiryahin ng Hotshots ang kanilang ikaapat na sunod na panalo sa pag­sagupa sa Terrafirma (0-3) sa Biyernes.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with