_ngayon
^

PSN Palaro

Ateneo nagpalakas, 2 Fil-Ams hinugot

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mas lalong pinalakas ng Ateneo de Manila University ang lineup nito matapos makuha ang dalawang mahusay na Filipino-American players para sa UAAP men’s basketball tournament.

Pasok na sa kampo ng Blue Eagles sina Kai Ballungay at Andrew Bongo.

Nasilayan na sa aksyon si Ballungay sa 2019 NBTC Finals kasama ang Fil-Am Sports squad kung saan nagtala ito ng averages na 19.3 points, 9.8 rebounds, 1.5 steals at 1.0 block kada laro sa naturang torneo.

Transferee ang status ni Ballungay na galing sa Stanislaus State.

Kaya naman mangangailangan pa si Ballungay ng residency bago makapaglaro suot ang Blue Eagles jersey sa Season 85 ng liga.

Nagmula si Ballungay sa US NCAA Division II school Stanislaus State kung saan nagsumite ito ng averages na 2.5 points at 1.9 rebounds sa kanyang freshman year.

Hindi naglaro si Ballungay sa second year nito sa koponan bago tuluyang lumipat sa Ateneo para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Sa kabilang banda, nakuha rin ng Ateneo si Bongo na ipinanganak at lumaki sa Covina, California.

Magtatapos ng secon­dary education si Bongo sa Charter Oak High School kaya’t agad itong makalalaro sa Season 84 bilang rookie.

UAAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with