_ngayon
^

PSN Palaro

PBA naglatag ng bagong patakaran sa live contract at rookie eligibility

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon
PBA naglatag ng bagong patakaran sa live contract at rookie eligibility
Thirdy Ravena
B.League

MANILA, Philippines — Para maiwasan ang mga isyung lumabas sa paglalaro nina Kiefer at Thirdy Ravena at Bobby Ray Parks Jr. sa Japanese league ay naglatag ang Philippine Basketball Association (PBA) ng bagong patakaran.

Sa ipinasang bagong panuntunan sa rookie eligibility ay kailangang maghintay ng limang taon ang isang player na tatangging pumasok sa PBA Rookie Draft sa panahon ng kanyang eligibility.

Puwedeng tanggapin ang kanyang aplikasyon sa draft sa loob ng unang tatlong taon, ngunit isasalang siya sa isang special lottery.

Ang nasabing patakaran ng liga ay mula sa pag-atras ni Thirdy Ravena na lumahok sa PBA rookie draft sa kanyang eligibility year at mas piniling maglaro para sa San-En Neophoenix sa Japanese league.

Kinailangan din ng d­ating kamador ng Ateneo Blue Eagles na ipaliwanag sa PBA ang kanyang na­ging desisyon.

Para rin maiwasang maulit ang paglipat nina Kiefer at Parks sa Japan B.League ay kailangang pa­halagahan ng isang player ang pinirmahan niyang kontrata sa kanyang PBA team.

Kapag nagkaroon ng paglabag ang player ay iba-ban na siya sa liga habang ang kanyang mother ballclub ay papatawan ng multang P20 milyon.

Para naman sa mga Fil-foreign applicants, hindi na tatanggapin ng liga ang kanilang aplikasyon kapag tumuntong na sila sa 30-anyos.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with