_ngayon
^

PSN Palaro

Clarkson, Apl.de.Ap bumisita kay Pacquiao

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Clarkson, Apl.de.Ap bumisita kay Pacquiao
Jordan Clarkson
TIM NWACHUKWU / GETTY IMAGES NORTH AMERICA / GETTY IMAGES VIA AFP

MANILA, Philippines — Tuloy ang pagdagsa ng ilang kilalang personalidad sa training camp ni eight-division world champion Manny Pacquiao sa Wild Card Gym sa Hollywood, California.

Sumama na sa mahabang listahan sina NBA star Filipino-American Jordan Clarkson ng Utah Jazz at singer Apl.de. Ap na nagpa­kuha pa ng larawan kasama ang Pinoy champion.

Nilagyan ito ng caption ni Pacquiao na “Filipino pride!” sa kanyang post sa social media.

Ibinahagi naman ni Clarkson ang naturang post sa kanyang followers sa Twitter na may sariling caption  na “The goat (greatest of all time), legendary!!!”

Ilan lamang sina Clarkson at Apl.de.Ap sa mga bumisita sa pagsasanay ni Pacquiao.

May ilang hollywood stars na rin na naunang dumating gayundin ang ilang boxing legends na nais masaksihan ang pagsasanay ni Pacquiao.

Puspusan na ang paghahanda ni Pacquiao para sa laban nito kay reigning World Boxing Council (WBC) at International Boxing Federation (IBF) welterweight champion Errol Spence Jr. sa Agosto 21 (Agosto 22 sa Maynila) sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.

Walang sinasayang na sandali si Pacquiao upang masiguro na handang-handa ito sa pinakamala­king labang haharapin nito sa kanyang boxing career.

“It’s one of my biggest fights kaya kailangang handa ako sa laban,” ani Pacquiao.

Sumalang sa pukpukang ensayo si Pacquiao kasama si Hall of Famer Freddie Roach sa Wild Card.

MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with