_ngayon
^

PSN Palaro

Didal sasabak na sa aksyon

Nelson Beltran - Pilipino Star Ngayon

TOKYO — Tangan ni Pinay skater Margielyn Didal ang pagiging gold medalist sa inaugural skateboard competitions sa Asian Games at Southeast Asian Games.

At may tsansa siyang maibigay sa Pilipinas ang kauna-unahang Olympic gold medal.

Sasabak ngayong umaga ang 21-anyos na Cebuana skateboard performer sa women’s street event sa Ariake Sports Park kung saan niya makakatapat ang mga pinakamahuhusay na atleta sa buong mundo.

Si Didal ang nagpasikat sa skateboarding sa Pilipinas matapos angkinin ang gold medal noong 2018 Asian Games sa Palembang, Indonesia ka­sunod ang pagrereyna noong 2019 Philippine SEA Games.

Nag-obserba si Didal sa venue at pinanood ang mga male skateboarders sa kanilang laban.

Nakatakda ang wo­men’s preliminaries sa alas-8:30 ng umaga (alas-7:30 ng umaga sa Manila) kasunod ang finals sa ala-1:30 ng hapon.

Ito ang magiging debut ng skateborading sa Olympics.

“Kung baga sa basketball, dati half court lang ang inilalaro mo, ngayon full court,” ani Skateboard Pilipinas (SP) president Carl Sambrano. “The duration is the same. It’s still 45 se­conds but in a bigger play.”

Ang Tokyo skateboar­ding courses ay ibinase sa mga disenyo ng ilang world championships at quali­fying events.

MARGIELYN DIDAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with