_ngayon
^

PSN Palaro

Plano para sa Gilas ikakasa ng SBP

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Plano para sa Gilas ikakasa ng SBP
Tab Baldwin
STAR/ File

MANILA, Philippines — Matapos mailipat sa susunod na taon ang FIBA Asia Cup, magkakaroon ng mahabang panahon ang Gilas Pilipinas upang paghandaan ang torneo.

Kaya naman ihahanda na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang magandang programa para maihanda ng lubos ang Gilas Pilipinas.

Babalangkasin ng SBP ang mga plano nito kasama si SBP program director Tab Baldwin.

Ngunit tatapusin muna ng Gilas Pilipinas ang kampanya nito sa 10th King Abdullah Cup na gaganapin sa Jordan.

Kasalukuyan nang nasa Jordan na ang Gilas Pilipinas para sa isang pocket tournament kung saan makakalaban ng tropa ang Jordan, Saudi Arabia, Egypt at Tunisia.

“With the reschedu­ling of the tournaments, we have to discuss and chart the next tournaments moving forward. I expect a thorough conversation among the SBP leaders together with Coach Tab (Baldwin) and his c­oaching staff,” ani SBP Special Assistant to the President Ryan Gregorio.

Sa oras na dumating ang Gilas Pilipinas mula Jordan, agad na sisimulan ang pagpa-plano.

“It will happen when they arrive from Jordan,” ani Gregorio.

Pag-aaralan kung saan torneo ipadadala ang Gilas Pilipinas.

Ihahanda rin ang magiging training program ng koponan para matiyak na mabuo ang solidong chemistry ng koponan.

Nakansela ang FIBA Asia Cup sa Jakarta, Indonesia matapos lumobo ang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa naturang bansa.

Inilipat ito sa 2022.

“We commiserate with our friends from Indonesia during these very difficult times,” ani SBP president Al Panilio na miyembro rin ng FIBA Asia Central Board.

FIBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with