_ngayon
^

PSN Palaro

Painters lider na

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Painters lider na
Chris Gavina
PBA Media Bureau

MANILA, Philippines — Hindi na nagpapigil ang mga Elasto Painters nang kumawala sa gitna ng third quarter.

Naghulog ang Rain or Shine ng limang three-point shots sa third period patungo sa 85-72 pagpapabagsak sa Meralco para angkinin ang solong liderato ng 2021 PBA Philippine Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ito ang ikatlong sunod na arangkada ng Elasto Painters ni coach Chris Gavina at ipinalasap sa Bolts ni mentor Norman Black ang unang kabiguan sa tatlong laro.

“I’m really grateful na our best players, they set the standards from day one,” wika ni Gavina. “We would need talagang gold standard para makapanalo kami against Meralco.”

Kumolekta si Javee Mocon ng 18 points, 6 rebounds at 6 assists para pamunuan ang Rain or Shine habang humakot si big man Beau Belga ng 17 points at 10 rebounds.

Nagdagdag sina Rey Nambatac at Nelbert Torres ng tig-11 markers.

Pinamunuan naman ni Chris Newsome ang Bolts sa kanyang 13 points, 6 assists at 5 boards at may 10 at tig-9 markers sina Raymond Almazan, Reynel Hugnatan at Cliff Hodge, ayon sa pagkakasunod.

Matapos kunin ang 42-35 halftime lead ay humataw ang Elasto Painters sa third period para kunin ang 61-46 bentahe mula sa magkasunod na triple ni rookie guard Andrei Caracut sa 3:55 minuto nito.

Lalo pang naiwanan ang Bolts sa 21-point deficit, 61-82, mula sa three-point play ni Mocon sa huling 4:21 minuto ng fourth quarter. Mula rito ay hindi na nakadikit ang Meralco.

Nagsalpak ang Rain or Shine ng 10-of-25 shooting sa 3-point line kumpara sa malamyang 8-of-22 clip ng tropa ni Black.

ELASTO PAINTERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with