_ngayon
^

PSN Palaro

Clarin nangangamoy sweep

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang panalo na lang ang kailangan ng Clarin para masementuhan ang sweep sa elimination matapos padapain ang JPS Zamboanga City, 95-69 nitong Sabado sa 2021 Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup Mindanao leg sa Pagadian City Gymnasium sa Zamboanga del Sur.

Kailangan na lang igupo ng Sto. Niño alin man sa ALZA Alayon na makakalaban nila bukas (Linggo) at ang wala ring talong Basilan (5-0) sa Lunes para mawalis ang eight-team elims.

Batay sa rules ng liga, awtomatikong papasok sa Finals ang koponang magtatala ng sweep sa elimination

Samantala, inilampaso ng Basilan ang MisOr sa pamamagitan ng record-breaking 140-106 win para makisosyo sa liderato.

Winasak ng Basilan ang naunang rekord nito na 118 winning  points laban sa Kapatagan na naitala noong Lunes.

“We will just take it one game at a time. Hindi muna ‘yung sweep ang iisipin. Iisipin namin ‘yun kapag nasa 7-0 na kami,” ani Basilan head coach Jerson Cabiltes.

Nagtala si Michael Juico ng 20 puntos, anim na rebounds at apat na steal para sa Basilan.

JPS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with