_ngayon
^

PSN Palaro

Petecio impresibo ang olympic debut

Nelson Beltran - Pilipino Star Ngayon

Binugbog ang kalaban, pasok sa round-of 16

TOKYO - Matapos ang Olympic Games opening rites kamakalawa ng gabi ay si lady boxer Nesthy Petecio ang unang mi­yembro ng Team Philippines na sumabak sa aksyon kahapon ng umaga.

Isang 5-0 dominanteng panalo ang itinala ni Petecio laban kay Marcelat Matshiu Sakobi ng Congo para umabante sa Round-of-16 ng women’s featherweight class sa Kokugikan Arena.

Nirapido ni Petecio si Sakobi sa second at third round patungo sa kanyang unanimous win.

“Pinag-aralan ko pa at nagmimintis naman siya,” wika ng gold medalist ng 2019 World Championships sa Russia. “Third round kuhang-kuha ko na siya.”

Nakatakdang labanan bukas ni Petecio si top-seeded Yu Ting ng Chinese Taipei na naging bantamweight champion noong 2018 World Championships sa New Delhi, India bago umakyat sa featherweight division sa sumunod na taon

“Dama ko tinitingnan niya ako, pero tinitingnan ko rin naman siya. Matagal na kaming nag-eensayo para sa kanya,” ani Petecio sa Taiwanese.

Si Petecio ang ikalawang national athlete na nanalo sa kanyang unang laban matapos si rower Cris Nievarez sa men’s single sculls noong Biyernes.

Pipilitin ni Nievarez na mapasama sa top three sa pagsagwan niya sa quarterfinals ngayong umaga.

Samantala, haharapin ngayon ni No. 25 Irish Magno si No. 17 Christine Ongare ng Kenya sa preliminary round ng women’s flyweight category.

Bukas naman lalaba­nan ni No. 25 Carlo Paalam si No. 32 Brendan Irvine ng Ireland sa preliminaries ng men’s flyweight class.

Nakakuha ng first-round bye si middleweight Eumir Felix Marcial at kailangan lamang makapagtala ng dalawang panalo para makatiyak ng bronze medal.

Sa taekwondo, opisyal nang sibak si Kurt Barbosa sa men’s -58kg event matapos matalo si world champion at top seed Jun Jang ng South Korea kay Mohamed Khalil Jendoubi ng Tunisia, 19-25, sa semifinals.

Dinomina ni Jang si Barbosa, 26-6, sa Round-of-16 at kung nakapasok ang five-time Grand Prix gold me­dalist sa gold medal round ay makakalaro ang Pinoy bet sa repechage para sa tsansang makakuha ng bronze medal.

Samantala, hindi naman nakapasok si Fil-Am swimmer Remedy Rule sa Top 16 na lalangoy sa semis ng women’s 100m butterfly.

Nagtala si Rule ng ti­yempong 59.68 segundo para pumangalawa sa Heat 2.

Sa shooting, magpapaputok ngayon si Jayson Valdez sa qualifications ng men’s 10-meter air rifle event.

Gagawin ang finals sa hapon.

OLYMPIC GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with