_ngayon
^

PSN Palaro

Petecio susuntok na vs Congolese boxer

Nelson Beltran - Pilipino Star Ngayon
Petecio susuntok na vs Congolese boxer
Nesthy Petecio
STAR/File

TOKYO — Bubuksan ni featherweight Nesthy Petecio ang kanyang kampanya sa pagsisimula ng Tokyo Olympics boxing competition laban kay Marcelat Sakobi Matshu ng Democratic Republic of Congo ngayong alas-11 a.m. (10 a.m. Manila time) ng umaga sa Kokugikan Arena.

Inaasahang gagamitin ni Petecio, ang 2019 world champion, ang kanyang pagiging No. 7 laban sa No. 11 na si Matshu.

Mas mababa ring ranggo ang mga makakatapat ni flyweight Carlo Paalam  habang nakakuha ng bye si middleweight Eumir Felix Marcial na maituturing na magandang draw para sa Philippine boxing team na naghahangad ng unang Olympic medal matapos ang silver medal ni Mansueto ‘Onyok’ Velasco, Jr. noong 1996 sa Atlanta.

Makakaharap ng No. 25 na si Paalam si No. 32 Brendan Irvine ng Ireland sa Lunes habang nakakuha ng bye ang No. 1 na si Marcial.

Sasagupain ni Marcial sa second round ang magwawagi sa first-round fight nina Younes Nemouchi ng Algeria at Kavuma David Ssemujju ng Uganda sa Huwebes. Dalawang panalo lang ang kailangan ni Marcial para umabante sa semifinals na sisiguro sa Olympic medal ng bansa.

Samantala, makiki­pagtuos si No. 25 women’s flyweight Irish Magno kay No. 17 Kenyan Christine Ongare sa Linggo.

NESTHY PETECIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with