_ngayon
^

PSN Palaro

Yulo sasalang na!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Yulo sasalang na!
Yulo
STAR/File

MANILA, Philippines — Sisimulan ni world champion Carlos Edriel Yulo ang kampanya nito ngayong umaga sa pag­larga ng qualifying tournament ng gymnastics competition sa Tokyo Olympics.

Magsisimula ang qualifying event sa alas-9 ng umaga (oras sa Maynila) sa Ariake Gymnastics Centre.

Nakapag-ensayo na si Yulo sa competition venue kung saan ipinamalas nito ang patikim sa kanyang magiging performance partikular na sa floor exercise.

Solido ang performance ni Yulo sa floor exercise na may perpektong landing at impresibong routines.

Matitindi ang ilalatag na performance ni Yulo na pinaghandaan nito kasama si Japanese mentor Munehiro Kugimiya.

Mataas ang degree of difficulty subalit mataas din ang risk nito sa errors.

Kabilang sa binabantayan ang kanyang triple backflip

Gayunpaman, tiwala ang lahat sa magiging performance ni Yulo lalo pang maganda ang ipinakita nito sa kanyang unang training sa competition site.

Magiging matinik na karibal ng reigning world champion na si Yulo sa gintong medalya sa floor exercise si dating world champion Nikita Nagornyy ng Russia.

Maliban sa floor e­xer­cise, malaki rin ang improvement ni Yulo sa parallel bars at vault.

Kung makakapasok si Yulo sa finals, lalaruin ito sa Miyerkules sa parehong venue.

CARLOS YULO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with