_ngayon
^

PSN Palaro

Flying Titans sumikwat ng 2nd win sa PVL

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinamantala ng Choco Mucho ang kaliwa’t kanang unforced errors ng Sta. Lucia Realtors upang itakas ang 25-17, 25-22, 25-20 panalo sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference kahapon sa PCV Socio-Civic Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte.

Muling bumida si Kat Tolentino sa atake ng Flying Titans matapos humataw ng 18 puntos tampok ang 16 attacks habang naglista naman si Ponggay Gaston ng walong puntos.

May parehong pitong puntos sina Bea De Leon at Maddie Madayag.

Maliban sa balanseng atake, nalimitahan ng Choco Mucho ang errors nito sa pito upang magaan na makuha ang panalo.

“We didn’t expect (to sweep them), we know naman contender Sta. Lucia alam naman na­ting kung anong klaseng level team meron ang team nila, mataas ang level,” ani Choco Mucho head coach Oliver Almadro.

Patuloy na inaalat ang Lady Realtos na nakalugmok sa 1-3 marka.

Nagrehistro ang Sta. Lucia ng 26 unforced errors na lubos na nagpalubog sa kanilang tropa.

Magpapatuloy ang bak­bakan bukas kung saan masisilayan na sa aksyon ang Perlas Spi­kers na haharap sa Choco Mucho sa alas-3 ng hapon.

PVL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with