_ngayon
^

PSN Palaro

Iligan nag-pull out sa VisMin Super Cup

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagdesisyon ang Iligan Archangels na mag-back out na lamang sa ginaganap na 2021 Chooks-to- Go Pilipinas VisMin Super Cup sa Pagadian, Zamboanga del Sur.

Inihayag ito ni VisMin Super Cup head of basketball operations Chelito Caro sa zoom meeting ng mga kinatawan ng bawat team.

“Team Iligan already backed out from the Mindanao Leg. There was an internal problem and they decided to pull out,” ayon sa statement ng liga.

Sapul nang magsimula ang liga, sumalang na sa limang laro ang Archangels.

Ngunit wala itong naipanalo sa lahat ng kanyang asignatura para mahulog sa ilalim ng standings tangan ang 0-5 marka.

Tatlong laro na lamang ang natitira sa Archangels sa eliminasyon na awtomatiko nitong ipo-forfeit .

“‘Yung remaining games ng Iligan, considered as winner na ‘yung opponent,” ani Caro.

Walang malinaw na dahilan ang pamunuan ng Archangels ngunit napag-alaman na internal problem ang pangunahing dahilan ng tropa.

Si Iligan City Mayor Celso Regencia ang team owner ng Archangels.

VISMIN SUPER CUP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with