^

PSN Palaro

ika-2 dikit na panalo puntirya ng NLEX

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
ika-2 dikit na panalo puntirya ng NLEX
Yeng Guiao
STAR/ File

Ginebra, San Miguel at Blackwater babangon

MANILA, Philippines — Target ng NLEX ang kanilang ikalawang sunod na panalo habang kapwa hangad ng nagdededepensang Barangay Ginebra, San Miguel at Blackwater na makapasok sa win co­lumn.

Lalabanan ng Road Warriors ang Beermen ngayong alas-6 ng gabi matapos ang salpukan ng Gin Kings at Bossing sa alas-3 ng hapon sa 2021 PBA Philippine Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Umiskor ang NLEX ng 94-75 panalo sa Ginebra noong Linggo para makabawi sa nauna nilang 82-83 pagkatalo sa Rain or Shine noong Hulyo 16.

“We are actually lucky that Ginebra is playing their first game. They were ma­king the adjustments,” sabi ni Road Warriors’ coach Yeng Guiao sa Gin Kings. “This is not the full potential of Ginebra.”

Hindi naman maglalaro si Terrence Romeo sa panig ng Beermen, nakalasap ng 87-93 kabiguan sa Meralco Bolts (2-0) noong Linggo.

Nagkaroon si Romeo ng hyperextended left knee sa third period at hindi na nakabalik sa laro.

Sa unang laro, inaasahang babawi si Fil-German big man Christian Standhardinger matapos maglista ng 8 points at 10 rebounds sa pagkatalo ng Ginebra sa NLEX.

“I just had to adjust a little bit more on how we play here,” sabi ng 6-foot-8 big man na tumipa ng 3-of-8 fieldgoal shooting.

Kagaya ng Gin Kings, nanggaling din sa pagkatalo ang Bossing (0-2) matapos ang 62-71 pagyukod sa Rain or Shine Elasto Painters(2-0).

vuukle comment

NLEX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with