^

PSN Palaro

Cool Smashers lusot sa Army

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kumapit ng husto ang nagdedepensang Creamline sa huling sandali ng laro upang hatakin ang 20-25, 25-15, 25-27, 25-19, 15-13 pahirapang panalo kontra Black Mamba-Army sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference kahapon sa PCV Socio-Civic Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte.

Gaya ng inaasahan, humugot ng lakas ang Cool Smashers kay three-time UAAP MVP Alyssa Valdez na siyang bumanat ng dalawang huling krusyal na puntos para sa kanyang tropa.

Napatatag ng Cool Smashers ang kapit sa liderato tangan ang malinis na 3-0 baraha.

Kaliwa’t kanang errors ang nagawa ng Creamline sa fifth set dahilan para malugmok sa 4-9 iskor.

Ngunit uminit ng husto ang Cool Smashers nang pasabugin nito ang 9-3 bomba tampok ang off-speed shot ni Tots Carlos para maagaw ang kalamangan sa 13-12.

Nagawa pang makatabla ng Lady Troopers sa 13-all mula sa sariling off-speed attack ni Christine Francisco.

Pero isang down-the-line hit ang pinakawalan ni Valdez kasunod ng solidong block para iselyo ang panalo sa Cool Smashers.

Muling naasahan si Carlos na nakalikom ng kabuuang 26 puntos tampok ang 24 attacks at dalawang blocks para sa Creamline.

Ito ang ikalawang kabiguan ng Lady Troopers sa tatlong pagsalang.

Samantala, pormal nang masisilayan sa aksyon ang Perlas Spi­kers matapos mag-negatibo sa swab test ang lahat ng players nito.

Masayang ibinalita ni league commissioner Tony Boy Liao ang resulta ng swab test kaya’t agad na babaguhin ang schedule ng liga para mailinya na ang mga laro ng Perlas Sppikers.

“The results came out already a while ago, they’re all negative,” ani Liao.

vuukle comment

PVL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with