_ngayon
^

PSN Palaro

Cash incentive para sa olympic gold medalist

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Cash incentive para sa olympic gold medalist
Ramon Ang
STAR/File

P30 million na!

MANILA, Philippines — Bukod sa MVP Sports Foundation ni Manny V. Pangilinan ay nangako rin si Ramon Ang ng San Miguel Corporation (SMC) na bibigyan ng cash incentives ang mga atletang mag-uuwi ng medalya mula sa Tokyo Olympic Games.

Magbibigay ang SMC ng bonus na P10 milyon para sa kukuha sa kauna-unahang Olympic gold medal ng bansa habang P5 milyon at P2 milyon naman ang para sa silver at bronze, ayon sa pagkakasunod.

“I officially announce na nagpapasalamat din ako kay Mr. Ramon Ang ng San Miguel na nag-commit na rin ng same amount as MVP group,” wika kahapon ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino sa online edition ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum.

Nauna nang nangako si Pangilinan ng P10 mil­yon para sa Olympic gold, P5 milyon para sa silver at P2 milyon para sa bronze.

Hindi pa kasama rito ang parehong cash incentives na nakasaad sa Republic Act 10699 o Expanded Athletes Incentives Act.

Nangangahulugan na kabuuang cash incentives na P30 milyon ang matatanggap ng atletang kokolekta sa Olympic gold, P15 milyon sa silver at P6 milyon para sa bronze.

Maliban pa ito sa inaasahang bonus na ibibi­gay ni Pangulong Rodrigo Duterte, ayon kay Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez.

Kabuuang 19 national athletes ang kakampan­ya sa Tokyo Olympics na nakatakda sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.

SMC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with