^

PSN Palaro

Baldwin tiwala sa Gilas squad

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Baldwin tiwala sa Gilas squad
Tab Baldwin
UAAP

MANILA, Philippines — Masaya si Gilas Pilipinas head coach Tab Baldwin sa ipinamalas ng kanyang bataan sa tuneup game nito laban sa China sa kabila ng 79-all pagtatapos ng laban.

Nagawang makuha ng Gilas squad ang 78-71 kalamangan sa huling isang minuto ng laro.

Subalit nagpasabog ang China ng matinding opensa sa mga sumunod na pangyayari upang maitabla ang iskor sa 79-all sa pagtatapos ng laro.

Umiskor si Kai Sotto ng 13 puntos habang may tig-12 naman sina Angelo Kouame at Jordan Hea­ding, at siyam na puntos si RJ Abarrientos.

Nagdagdag sina Justine Baltazar at William Navarro ng tig-walong puntos para sa Gilas.

“China played very physical basketball and it pushed us to the limit, they got off to a good start. I was pleased with the way the guys responded, it was a high-energy game,” ani Baldwin.

Umaasa si Baldwin na maraming natutunan ang bagitong Gilas squad sa naturang laro na madadala nito sa FIBA Olympic Qualifying Tournament na lalarga sa Hunyo 29 hanggang Hulyo 4 sa Belgrade, Serbia.

Umalis na kagabi ang Gilas Pilipinas patungong Belgrade kung saan hindi na ito muli pang sasalang sa tuneup games doon bago ang laban upang makaiwas sa anumang injury.

May injury na sina Dwight Ramos at Carl Tamayo na hindi nasilayan sa tuneup game laban sa China.

Subalit tiniyak naman ng Gilas coaching staff na magiging maayos na ang lagay ng mga ito bago magsimula ang Olympic qualifying.

vuukle comment

GILAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with