_ngayon
^
Gilas bibiyahe na sa Serbia
Dwight Ramos
FIBA

Gilas bibiyahe na sa Serbia

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - June 24, 2021 - 12:00am

Para sa FIBA olympic qualifying tournament

MANILA, Philippines — Tutulak na ang Gilas Pilipinas sa Belgrade, Serbia para sa panibagong misyon sa FIBA Olympic Qualifying Tournament na idaraos mula Hunyo 29 hanggang Hulyo 5.

Ngunit bago umalis, sumalang muna ang Gilas Pilipinas sa pukpukang tuneup game kahapon laban sa powerhouse Chinese squad sa Angeles University Foundation gym sa Angeles, Pampanga.

Magandang pagkaka­taon ang naturang tuneup upang mas lalo pang mahasa ang bagitong Gilas team bago makipagsabayan sa mga world-class players sa Olympic qualifiers.

Sumalang sa bakbakan sina Dwight Ramos, Angelo Kouame, Justine Baltazar, Kai Sotto, SJ Belangel, RJ Abarrientos, Isaac Go, William Navarro, Mike Nieto, Geo Chiu at Jordan Heading.

Ipinarada naman ni China head coach Du Feng sina Zhou Qi, Hu Mingxuan, Zhao Jiwei, Wu Qian, Xu Jie, Zhang Zhenlin, Lu Wenbo, Zhao Yanhao, Wang Shaojie, Shen Zijie, Zhu Mingzhen at Liu Chuanxing.

Parehong naghahanda ang Pilipinas at China sa tsansang makasikwat ng tiket sa Tokyo Olympics na gaganapin sa susunod na buwan sa Japan.

Makakasama ng Pilipinas sa Olympic qualifiers sa Belgrade ang host Serbia at Dominican Republic sa Group A.

Unang makakaharap ng Gilas Pilipinas ang Dominican Republic sa Hunyo 29 kasunod ang Serbia sa Hulyo 1.

Ayon kay Gilas Pilipinas head coach Tab Baldwin, magandang experience para sa bagitong Gilas squad ang Olympic qualifiers dahil mapapalaban ito sa mga matitikas na players.

FIBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with