_ngayon
^
PBA players kailangan pa rin ng Gilas Pilipinas
Jimmy Alapag
Interaksyon

PBA players kailangan pa rin ng Gilas Pilipinas

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - June 24, 2021 - 12:00am

Sa FIBA world cup sa 2023

MANILA, Philippines — Naniniwala si dating Gilas Pilipinas team captain Jimmy Alapag na kakailanganin pa rin ng Gilas Pilipinas ng ilang veteran PBA players sa 2023 FIBA World Cup.

Masaya si Alapag sa impresibong ipinamalas ng bagitong Gilas squad sa katatapos na FIBA Asia Cup Qualifiers kung saan winalis nito ang lahat ng tatlong laro kabilang ang dalawang panalo kontra sa South Korea,

“You look at these first three games and it’s really, really impressive for this team. This is really the next generation for me,” ani Alapag sa programang Smart Sports’ Hoops Life.

Subalit ibang usapan na ang World Cup na isang mataas na lebel ng kumpetisyon.

Personal na itong naranasan ni Alapag dahil bahagi ito ng Gilas Pilipinas na nagpasiklab noong 2014 FIBA World Cup sa Spain.

Malaki ang maitutulong ng PBA players partikular na sa leadership para lubos pang magabayan ang mga bagitong miyembro ng Gilas squad.

Ngunit ipinauubaya pa rin ni Alapag ang pagdedesisyon sa coaching staff na pinangungunahan ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) program director Tab Baldwin na siyang kasalukuyang head coach ng koponan.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with