_ngayon
^

Juan GDL lalaro rin sa Japan

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - June 24, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isa na namang Pinoy cager ang magwawagayway ng bandila ng Pilipinas sa Japan B.League matapos pumirma ng kontrata si Juan Gomez de Liaño sa Division 2 team Earth Friends Tokyo Z.

Matagal nang pangarap ni Gomez de Liaño na makapaglaro sa labas ng bansa kaya’t agad nitong sinunggaban ang pagkakataon nang magbukas sa kanya ang pintuan sa Japan B.League.

Mamanduhan ang Earth Friends ni Swedish national team head coach Hugo Lopez na matagal-tagal na ring nakakausap ni Gomez de Liaño.

Sa katunayan, mahigit isang buwan nang may komunikasyon sina Lopez at Gomez de Liaño.

Nagtala si Gomez de Lia­ño ng averages na 12.43 points, 6.06 rebounds at 3.28 assists sa kanyang tatlong taong paglalaro sa UAAP para sa University of the Philippines.

Bahagi ito ng Fighting Maroons na nakapasok sa finals sa unang pagkakataon matapos ang tatlong dekada noong UAAP Season 81.

Ngunit nagtapos lamang bilang runner-up ang UP sa naturang season nang matalo ito sa Ateneo.

Naging Rookie of the Year awardee rin ito noong UAAP Season 80.

PINOY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with