Red Bull, 7-Eleven may papremyo sa mga fans ni Didal
MANILA, Philippines — Magbibigay ang Red Bull, katambal ang 7-Eleven, ng pambihirang pagkakataon sa mga skateboarding enthusiasts at sa lahat ng local sports fans na makasalamuha si Olympic Games bound-Margielyn Didal.
Isang all-expense paid trip sa Cebu para makilala si Didal ang papremyo ng Red Bull sa mga kalahok na may edad 18-anyos pataas.
Inaanyayahan ang mga skateboarding at sports fans na sumali sa online video contest at isumite ang kanilang mga entries mula Hunyo 19 hanggang Hulyo 12, 2021.
Bumili lamang ng isang Red Bull product (250ml Red Bull Energy Drink, 250ml Red Bull Sugar Free o 355ml Red Bull Energy Drink) sa alinmang 7-Eleven store nationwide.
Mag-upload ng isang good luck toast video sa Facebook, Instagram o TikTok bilang bahagi ng isang post na may short caption.
Magpunta sa www.skatewithmargie.com at piliin ang“Register”, punan ang personal details (name, age, email address, mobile number at full address), ang URL ng video post at i-upload ang inyong video entry para mapanalisa ang submission.
Ang tatlong lucky winners ay pipiliin ni Didal.
- Latest