_ngayon
^
Gilas roster dapat panatilihin - âEl Presidenteâ
Ramon ‘El Presidente’ Fernandez
STAR/ File

Gilas roster dapat panatilihin - ‘El Presidente’

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - June 23, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kung si basketball le­gend Ramon ‘El Presidente’ Fernandez ang tatanungin ay mas gusto niyang panatilihin ang kasalukuyang komposis­yon ng Gilas Pilipinas para sa mga sasalihang international tournaments.

“Palagay ko itong mga bata na ang ipadala natin. Not for anything else but this is thinking long term,” sabi kahapon ni Fernandez, ang four-time PBA Most Valuable Player.

Pinamumunuan nina 7-foot-1 Kai Sotto, na­tu­ra­lized center Angelo K­oaume, Fil-Am big guard Dwight Ramos, forward Carl  Tamayo at point guards SJ Belangel at RJ Abarrientos ang Gilas Pilipinas.

Sa paggiya ni coach Tab Baldwin ay kinumpleto ng Nationals ang six-game sweep sa nakaraang third at final window ng FIBA Asia Cup Qualifiers papasok sa tournament proper sa Agosto sa Jakarta, Indonesia.

Hiniling ni Fernandez sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na panatilihin ang mga batang pla­yers ng Gilas Pilipinas.

“Iyong mga bata natin kapag i-expose natin sa ganoong level ng competition siguradong mag-iimprove iyan,” wika ng four-time PBA MVP.

“Iyong mga PBA pla­yers naman mag-iimprove din sana sila, but hindi kagaya ng improvement ng mga batang ito.”

Nakatakdang lumahok ang Gilas Pilipinas sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Hunyo 29 hanggang Hulyo 4 sa Belgrade, Serbia.

EL PRESIDENTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with