_ngayon
^
Gilas Pilipinas may ibubuga!
Isaac Go
STAR/ File

Gilas Pilipinas may ibubuga!

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - June 23, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinatunayan ng Gilas Pilipinas na may ibubuga ito sa international scene sa kabila ng pagiging bagito nito.

Nasaksihan ng sambayanan ang impresibong kampanya ng Gilas Pilipinas matapos makumpleto ang matamis na sweep sa FIBA Asia Cup Qualifiers noong Linggo sa Clark, Pampanga.

Pinakamaningning sa lahat ang dalawang panalo ng Gilas sa mortal nitong karibal na South Korea.

Para kay Gilas Pilipinas team captain Isaac Go, ang magandang resultang ito ay produkto ng mahabang preparasyon at matinding pagsasanay.

Dugo’t pawis ang puhunan na nagresulta sa magandang kapalaran.

“I don’t know how many bubbles we had to prepare for this to get together, to know one another. There are factors there that you can’t put aside, and shows that given enough time and preparation, you can be competitive,” ani Go.

Hindi biro ang panalo ng Nationals sa Koreans.

Naitarak ng Pinoy squad ang 81-78 gitgitang panalo sa kanilang unang paghaharap noong Hunyo 16 matapos maisalpak ni SJ Belangel ang game-winning basket.

Subalit marami ang nagduda na tsamba lang ito. Maging ang mismong head coach ng South K­orean squad, tinawag lamang itong “lucky shot.”

Kaya naman ibinuhos ng Gilas ang lahat sa ikalawang pagtutuos ng Pilipinas at South Korea para makuha ang 82-77 panalo.

Magandang experience ito para sa bagitong Gilas team. Pero hindi pa tapos ang laban.

May FIBA Olympic Qua-lifying Tournament pa sa Hunyo 29 hanggang H­ulyo 4 sa Belgrade, Serbia.

Malayo pa ang tatahakin ng Gilas ngunit maliwanag ang daan patungo sa tugatog ng tagumpay.

FIBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with