_ngayon
^
CSB sumipa ng 2 ginto sa NCAA
Umani si Raphael Ongkiko ng 7.067 puntos para pagharian ang juniors’ middleweight/heavyweight division.
STAR/ File

CSB sumipa ng 2 ginto sa NCAA

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - June 23, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasungkit ni Raphael Ongkiko ang ikalawang gintong medalya ng College of Saint Benilde nang mangibabaw ito sa NCAA Season 96 taekwondo online speed kicking event kahapon.

Umani si Ongkiko ng 7.067 puntos para pagharian ang juniors’ middleweight/heavyweight division.

Ginapi ni Ongkiko sina Emilio Aguinaldo College bets John Keirth Beramo (6.667) at Bermel Dionela Jr. (6.458) na nagkasya sa pilak at tanso, ayon sa pagkakasunod.

Una nang humirit ng ginto si Victor Emmanuel Rodriguez para sa Blazers makaraang manguna ito sa juniors’ welterweight event.

Sa juniors’ heavyweight class, umani ng unang gintong medalya ang Arellano University sa season na ito mula kay Joshua Lyndon Dionio na nagtala ng 6.592 puntos.

Tinalo ni Dionio sina silver medalist Jian Alden Jose Arceo ng San Beda University na may 6.017 puntos at Bill Rolan dela Cruz ng Colegio de San Juan de Letran na nagtala naman ng 5.942 puntos.

Binibigyan ng puntos ang bawat kalahok base sa isinusumite nitong performance video sa NCAA management committee.

Tatakbo ang speed k­icking competition hanggang sa Hulyo 5.

NCAA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with