_ngayon
^
Suns sinunog ang Clippers sa game 1
Nag-unahan sa rebound sina Suns guard Devin Booker at Clippers guard Rajon Rondo sa Game 1 ng Western Conference Finals.

Suns sinunog ang Clippers sa game 1

(Pilipino Star Ngayon) - June 22, 2021 - 12:00am

Hawks kontra Bucks sa East Finals

PHOENIX — Ipinoste ni Devin Booker ang una niyang career triple-double para banderahan ang Suns sa 120-114 pagsunog sa Los Angeles Clippers sa Game One ng kanilang Western Confe­rence Finals.

Tumapos si Booker na may 40 points, 13 rebounds at 11 assists para sa Phoenix na hindi nakuha ang serbisyo ni guard Chris Paul dahil sa COVID-19 health and safety protocols

“I’m just going out there to win every game possible. I’ve been saying this since the start of the playoffs —-every next game is the biggest game,” ani Booker.

Hindi naman naglaro si injured forward Kawhi Leonard (sprained right knee) para sa Los Angeles sa ikatlong sunod na pagkakataon.

Humakot si center Deandre Ayton ng 20 points at 9 rebounds para sa Suns at may 11 markers at 9 assists si Cameron Payne bilang kapalit ni Paul.

Mula sa 93-93 pagtatabla, naghulog ang Phoenix ng 12-2 bomba para angkinin ang 105-95 bentahe sa 8:08 minuto ng fourth quarter bago nakadikit ang Los Angeles sa 114-116 sa huling 22 segundo.

Isang dunk ang isinalpak ni Booker para selyuhan ang ika-walong sunod na panalo ng Suns.

Sa Philadelphia, tinapos ng Atlanta Hawks ang kanilang semifinals series ng 76ers matapos kunin ang 103-96 panalo sa Game Seven para sagupain ang Milwaukee Bucks sa Eas­tern Conference Finals.

Ito ang unang confe­rence finals stint ng Atlanta matapos noong 2015.

Bubuksan ng Hawks at Bucks ang kanilang conference finals duel sa Huwebes sa Milwaukee.

NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with