_ngayon
^
Gilas sabak agad sa ensayo
Coach Tab Baldwin
STAR/File

Gilas sabak agad sa ensayo

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - June 22, 2021 - 12:00am

Para paghandaan ang Olympic qualifying tournament

MANILA, Philippines — Matapos ang dayoff kahapon ay muling sasabak ang Gilas Pilipinas sa bubble training ngayon para paghandaan ang FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Belgrade, Serbia.

“These young men have earned the day-off, so they’ll get Monday off. But Tuesday we’ll be back at work,” sabi ni coach Tab Baldwin matapos ang six-game sweep ng Nationals sa third at final window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers sa Clark, Pampanga.

Makakasama ng Pilipinas sa FIBA Asia Cup Championships sa Agosto 16-28 sa Jakarta ang South Korea at host Indonesia (Group A), Lebanon at Bahrain (Group D), Iran at Syria (Group E) at Jordan at Kazakhstan (Group F) at China (Group B).

Dalawa pang tiket sa Group C ang pinag-aagawan ng Australia, New Zealand, Guam at Hong Kong.

Sa FIBA Olympic Qualifying Tournament ay makakaharap ng Pilipinas ang host Serbia, kakam­panya na wala si 2020-2021 NBA Most Valuable Player Nikola Jokic ng Denver Nuggets, at Dominican Republic sa Group A.

Sinabi ni Baldwin na halos lahat ng players na sumabak sa FIBA Asia Cup qualifiers ay maglalaro rin sa FIBA OQT na didribol sa Hunyo 29 hanggang Hulyo 4.

Inaasahang pasok sa Final 12 sina 7-foot-1 Kai Sotto, naturalized player Angelo Kouame, Fil-Am Dwight Ramos, Justine Baltazar, SJ Belangel, RJ Abarrientos at Karl Tamayo.

FIBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with