^

PSN Palaro

Gilas sasalang sa tuneup vs China

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Gilas sasalang sa tuneup vs China

MANILA, Philippines — Sasailalim ang Gilas Pilipinas sa dalawang importanteng tuneup games laban sa powerhouse China bilang bahagi ng paghahanda sa FIBA Olympic Qualifying Tournament na gaganapin sa Hunyo 29 hanggang Hulyo 4 sa Belgrade, Serbia.

Mismong si Chinese head coach Du Feng ang nagkumpima na mananatili sa Clark ang kanyang bataan matapos ang kampanya nito sa katatapos na FIBA Asia Cup Qualifiers.

Limang araw pa ang gugugulin ng Chinese squad sa Pilipinas para sa naturang dalawang tuneup games.

Gaya ng Gilas Pilipinas, naghahanda rin ang China sa Olympic qualifying na idaraos naman sa Canada sa parehong petsa.

Matapos ang tuneup games, agad na tutulak ang Chinese squad sa Canada.

“We will still be staying for the next five days before we fly to Canada,” ani Du.

Bumilib si Du sa magandang inilaro ng bagitong Gilas Pilipinas team na nakumpleto ang 6-0 sweep sa Group A ng qualifiers.

“For this Asia Cup qualifiers, the Philippine team a­ctually had good games, and I think the games which we will play against them will be good experience for us before we play our opponents (in the OQT) against Canada and Greece,” dagdag ni Du.

Naghahanda naman ang Gilas Pilipinas sa mabigat na labang haharapin nito sa Belgrade dahil bigating koponan ang kanilang makakasagupa.

Nangunguna na ang host Serbia kasama pa ang Dominican Republic.

Tulad ng Gilas, binubuo rin ng bagitong lineup ang Chinese squad kaya’t magandang pagkakataon ang tuneup games para mahasa ng husto ang dalawang tropa.

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with