_ngayon
^

Donaire saludo kay Dasmarinas

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - June 22, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa kabila ng kabiguan, pinuri ni reigning World Bo­xing Council (WBC) bantamweight champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire ang tapang na ipinakita ni Michael Dasmarinas laban kay Naoya Inoue.

Alam ni Donaire ang kalidad ni Inoue dahil nakasagupa na nito ang Japanese fighter.

“I felt those shots before and I know how much they hurt,” ani Donaire sa panayam ng Fight Hype.

Kaya naman saludo si Donaire sa tatag ni Dasmarinas bagama’t nabigo itong maagaw ang World Boxing Association (WBA) at International Boxing Fe-deration (IBF) titles ni Inoue.

Lumasap si Dasmarinas ng third round technical knockout loss kay Inoue noong Linggo sa Virgin Hotels sa Las Vegas,

Personal na pinanood ni Donaire ang laban nina Dasmarinas at Inoue.

Nasa venue rin si World Boxing Organization (WBO) king John Riel Casimero.

Nagpasalamat naman si Dasmarinas sa lahat ng sumuporta sa kanyang laban.

“First of all, thank God for my safety and to all my family, friends, manager, and trainer thank you for the support. I did my best in the fight but I lost,” ani Dasmarinas.

Sa kabilang banda, inaasahang makakasagupa ni Inoue ang mananalo sa unification fight nina Donaire at Casimero sa Agosto 14 (Agosto 15 sa Maynila).

NONITO DONAIRE JR.
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with