_ngayon
^
Korea muling hiniya sweep ng Gilas!
Tumira si Gilas player Justine Baltazar laban kay Guna Ra ng South Korea.

Korea muling hiniya sweep ng Gilas!

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - June 21, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ngayon ay wala nang masasabi si Korean coach Cho Sang Hyun.

Ipinakita ng Gilas Pilipinas na hindi tsamba ang nauna nilang paglusot sa South Korea matapos ang kumbinsidong 82-77 pa­nalo sa pagsasara ng third at final window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers kahapon sa Angeles University Foundation Gym sa Clark, Pampanga.

Kinumpleto ng Na­tionals ang six-game sweep sa Group A at muling tinalo ang Koreans sa ikalawang pagkakataon matapos ang 81-78 pag-eskapo noong nakaraang Miyerkules sa likod ng buzzer-beating three-point shot ni point guard SJ Belangel.

Tinawag itong ‘lucky shot’ ni Cho na ikinairita ni mentor Tab Baldwin.

Muling binanderahan ni Dwight Ramos ang Gilas Pilipinas sa kanyang 18 points, 5 assists at 3 rebounds habang may 10 markers at 7 boards si 7-foot-1 Kai Sotto.

Ang dunk ni Justine Baltazar ang nagbigay sa Nationals ng 79-75 abante sa huling 31.7 segundo kasunod ang atake ni Guna RA (Ricardo Ratliffe) para idikit ang Koreans sa 77-79 sa nalalabing 25 segundo.

Tatlong magkahiwalay na free throws ang isinalpak nina Belangel at Ramos para selyuhan ang panalo ng Gilas Pilipinas na mayroon nang tiket sa FIBA Asia Cup Championships sa Agosto 16-28 sa Jakarta.

Makakasama ng Pilipinas sa tournament proper ang Korea at host Indonesia (Group A), Lebanon at Bahrain (Group D), Iran at Syria (Group E) at Jordan at Kazakhstan (Group F) at China (Group B).

Naglalaban sa dalawang FIBA Asia Cup spot sa Group C ang Australia, New Zealand, Guam at Hong Kong.

Matapos ang FIBA Asia Cup Qualifiers ay kakampanya ang Gilas Pilipinas sa FIBA Olympic Quali­fying Tournament sa Hunyo 29 hanggang Hulyo 4 sa Belgrade, Serbia.

FIBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with