_ngayon
^
Bucks tinakasan ang Nets sa OT
Inaagaw ni Nets star Kevin Durant ang bola kay Bucks guard Giannis Anteto­kounmpo.

Bucks tinakasan ang Nets sa OT

(Pilipino Star Ngayon) - June 21, 2021 - 12:00am

Biyaheng East Finals

NEW YORK — Humakot si Giannis Antetokounmpo ng 40 points at 13 rebounds at naglista si Khris Middleton ng 23 markers at 10 boards sa 115-111 overtime win ng Milwaukee Bucks sa Brooklyn Nets sa Game Seven ng kanilang semifinals series.

Nag-ambag si Jrue Holiday ng 13 points, 8 assists at 7 rebounds sa 4-3 pagdispatsa ng Bucks sa Nets sa semis patungo sa Eastern Conference Finals.

Sasagupain ng Bucks sa conference finals series ang mananalo sa semis showdown ng Philadelphia 76ers at Atlanta Hawks.

Nalampasan ng Milwaukee ang NBA-record na 48 points ni Brooklyn superstar Kevin Durant para umabante sa East Finals sa ikalawang pagkakataon sa huling tatlong taon.

“They all made big plays down the stretch, and we needed every one of them,” sabi ni Bucks head coach Mike Budenholzer.

Ang tiebreaking shot ni Middleton sa huling 40 segundo ang nagbigay sa kanila ng 113-111 abante matapos ang krusyal na supalpal ni center Brook Lopez sa tira ni Durant sa posesyon ng Nets.

Nauna nang dinala ni Durant ang Brooklyn sa extension, 109-109, makaraang isalpak ang isang turnaround jumper.

NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with