_ngayon
^

EJ Obiena kailangan ng bagong poles para sa training

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - June 21, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kung may bagay mang kailangan ngayon si natio­nal pole vaulter Ernest John Obiena, ito ay ang bagong mga poles na kanyang gagamitin bilang paghahanda sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.

Ayon sa 2019 Southeast Asian Games gold medalist, nagkaroon ng sira ang ginagamit niyang poles noon pang Pebrero kaya minsan ay nanghihiram siya sa kanya mismong mga kalaban.

“Currently, I’m using a series that’s kind of incomplete so I’m working on that — getting poles here as soon as possible because I got my poles damaged back in February,” wika ni Obiena.

Bumalik ang Philippine national indoor at outdoor record holder sa kanyang training camp sa Formia, Italy kasama si legen­dary coach Vitaly Petrov para sa preparasyon sa 2021 Tokyo Olympics na nakatakda sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.

Kamakailan ay sinikwat ni Obiena ang gold medal at winasak ang sarili niyang Philippine outdoor record sa kanyang tinalon na 5.85 metro sa Jump and Fly competition sa Mossingen, Germany.

Bago ito ay lumundag ang 25-anyos na pole vaul­ter ng 5.70m para makopo ang gintong medalya sa Gothenburg Athletics Grand Prix sa Sweden.

ERNEST JOHN OBIENA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with