_ngayon
^

Perlas Spikers pukpukan sa training

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - June 21, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pukpukan ang ensayo ng Perlas Spiker sa Baguio City upang paghandaan ang Premier Volleyball League Open Conference na puntiryang masimulan sa susunod na buwan.

Sa ilang post ng Perlas Spikers sa kanilang social media account, kita ang matinding pagsasanay ng mga players para maibalik ang kundisyon ng mga ito.

Nais ng Perlas Spikers na pagpagin ang kalawang ng mga players matapos matengga ng mahigit isang taon dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Kabilang sa mga sumalang sa training camp sina Jho Maraguinot, Cherry Nunag, Gel Cayuna, Thang Ponce, Jellie Tempiatura at Cza Carandang na mga bagong recuit ng Perlas Spikers.

Kasama rin sina Perlas Spikers mainstays Nicole Tiamzon, Jem Ferrer, Heather Guinoo, Sue Roces, Kat Bersola at Gel Cayuna.

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE OPEN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with