Dasmarinas-Inoue fight ngayon na!
MANILA, Philippines — Kasado na ang game plan ni Michael Dasmarinas sa pinakamalaking labang haharapin nito sa kanyang boxing career kontra kay Japanese fighter Naoya Inoue ngayong araw sa Virgin Hotels sa Las Vegas, Nevada.
Handa si Dasmarinas na ibuhos ang lahat ng lakas nito upang maagaw ang korona ni Inoue.
“It’s hard to wait but we need to be patient to get to this opportunity. I’m thankful that I finally have a chance for a title fight. That’s why I did everything I can in my training,” ani Dasmarinas.
Pasok sa timbang si Dasmarinas na may bigat na 117.4 pounds habang tumimbang naman si Inoue ng 118 pounds sa official weigh-in kahapon.
Ipagtatanggol ni Inoue ang kanyang International Boxing Federation (IBF) at World Boxing Association (WBA) bantamweight belt.
Subalit kung mahahablot ni Dasmarinas ang dalawang korona ni Inoue, dominado na ng Pinoy boxers ang bantamweight division dahil hawak ni Nonito Donaire ang World Boxing Council (WBC) belt habang si John Riel Casimero naman ang reigning World Boxing Organization (WBO) king.
Armado si Dasmarinas ng 30-2-1 rekord tampok ang 20 knockouts samantalang malinis ang marka ni Inoue na may 20-0 baraha kasama ang 17 knockouts.
Sa kabilang banda, galing si Inoue sa seventh round knockout win kay Australian Jason Moloney noong Oktubre ng nakaraang taon.
- Latest