_ngayon
^

PSN Palaro

Buti pa sila

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Mabuti pa ang NBA tuloy na ang ligaya.

Kahit may limit sa crowd attendance, halos puno na ang mga venues papalapit sa NBA Finals.

Karamihan sa fans, hindi na naka-mask.

Business as usual.

Pero dito sa atin, tengga pa rin ang PBA.

Mahigit anim na buwan na walang laro after the Philippine Cup bubble nung December sa Clark.

Pano, naka-GCQ nga ang NCR Plus, may restrictions naman.

Patuloy naman ang practice ng 12 teams at ang diga ng PBA sa pangunguna ni commissioner Willie Marcial.

Last week lang, naki­pag-meeting siya sa mga opisyales ng GAB, IATF at MMDA.

Kailangan patuna­yan ng PBA na safe ang kanilang ginagawa at kaya nila ituloy ang ope­ning ng Season 46.

Kaso, mataas pa rin ang cases sa bansa natin.

‘Yan ang concern.

Sana naman by July ay makapaglaro na ang PBA dahil tapos na ang NBA by that time.

Kung hindi, nganga ang basketball fans.

NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with