_ngayon
^
Training ni Pacquiao level up na!
Manny Pacquiao
Manny Pacquiao FB Page

Training ni Pacquiao level up na!

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - June 17, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pukpukan na ang ensayo ni eight-division world champion Manny Pacquiao para sa laban nito kay reigning WBC at IBF welterweight champion Errol Spence Jr. sa Agosto 21 (Agosto 22 sa Maynila) sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Sa bagong inilabas na video ng Team Pacquiao, sumalang sa matinding workout ang Pinoy cham­pion kasama si trainer Buboy Fernandez.

Dinig na dinig sa vi­deo ang lakas ng kamao ni Pacquiao sa training session nito kung saan may nag-komento pa na isang American boxing analyst na tila nasa edad 30-anyos lamang ang 42-anyos na fighting Senator.

Bagama’t wala pa sa kalahati ng kanyang trai­ning camp, lutang na lutang na ang bagsik ng kamao ni Pacquiao dahil matatandaang noong Pebrero pa ito nagsimulang magpa­kundisyon.

Kaya naman hindi malabo na mabilis na maabot ni Pacquiao ang perpek­tong kundisyon para sa inaabangang unification bout nito kay Spence.

Dahil dito, ilang boxing experts na ang nagpayo kay Spence na paghandaan ng husto si Pacquiao na tunay na mabagsik sa kabila ng edad nito.

Sa katunayan, naniniwala si Mexican fighter Antonio Margarito na si Pacquiao ang mananalo sa laban.

“He just moves way too much and the truth is he’s just too fast. Manny Pacquiao really is a great fighter, that’s just the truth and you mentioned he really does throw away too many punches,” ani Margarito sa panayam ng Fight Hype.

MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with