_ngayon
^
Suns biyaheng West Finals
Nagkainitan sa tagpong sina Nuggets center Nikola Jokic at Suns guard Devin Booker sa third quarter sa Game 4 ng kanilang West Conference semifinal series.

Suns biyaheng West Finals

(Pilipino Star Ngayon) - June 15, 2021 - 12:00am

Jokic napatalsik sa laro

DENVER — Tuluyan nang winalis ng Phoenix Suns ang Nuggets sa kanilang semifinals series matapos ang 125-118 pa­nalo sa Game Four papasok sa Western Confe­rence Finals.

Umiskor si Chris Paul ng 37 points at may 34 markers si Devin Booker para sa 4-0 pagsibak ng Phoenix sa Denver sa kanilang semis showdown

Ito ang unang confe­rence finals appearance ng Suns matapos noong 2010.

“You can ask anybody on this team how has Chris developed your game and everybody’s going to have a lengthy answer because he cares,” ani Booker sa 36-anyos na si Paul.

Napatalsik si MVP Nikola Jokic sa 3:52 minuto ng third period dahil sa flagrant foul kay Cameron Payne kung saan naiwanan ang Nuggets sa 76-83.

Hindi na bumitaw ang Suns, pinatalsik si LeBron James at ang Los Angeles Lakers sa first round, sa kanilang kalamangan hanggang sa fourth quarter.

Kumolekta si Jokic ng 22 points at 11 rebounds sa panig ng Denver na pinamunuan ni Will Barton sa kanyang 25 points.

May 20 at 19 markers sina Michael Porter Jr. at Monte Morris, ayon sa pagkakasunod.

Sa Milwaukee, nag­hulog si Giannis Anteto­kounmpo ng 34 points sa 107-96 panalo ng Bucks sa Brooklyn Nets sa Game Four para itabla sa 2-2 ang kanilang serye.

Nagdagdag si Khris Middleton ng 19 points para sa Milwaukee at may 14, 13 at 10 markers sina Jrue Holiday, P.J. Tucker at Bryn Forbes, ayon sa pagkakasunod.

Pinamunuan ni Kevin Durant ang Nets sa kanyang 28 points at 13 rebounds at may 11 markers si Kyrie Irving na nawala sa second period bunga ng sprained right ankle.

NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with