_ngayon
^

Pinoy karatekas nadiskaril sa France

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - June 15, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magkakasunod na minalas ang walong national karatekas sa kanilang kampanya sa 2021 Karate Olympic Qualification Tournament sa Paris, France.

Nasibak sa second round ng kanilang mga weight divisions sina 2019 Southeast Asian Games gold medalists Junna Tsukii at Jamie Lim, Fil-American Joane Orbon, Jayson Macaalay, Ivan Agustin at Sharief Afif sa kumite at sina John Enrico Vasquez at Sarah Pangilinan sa kata.

Si Lim, anak ni PBA legend Samboy Lim, ang pinakahuling napatalsik sa torneo matapos ang 2-7 pagyukod kay Jemi Chehinez ng Tunisia sa second round ng kumite women’s +61kg category.

Natalo naman si Tsukii, nagwagi ng gold medal sa nakaraang Karate Premier League sa Lisbon, Portugal, sa women’s -55kg division makaraan ang 1-2 kabiguan kay Ivet Goranova ng Bulgaria sa second round.

Ngunit maaari pang makapasok si Tsukii, nagsanay sa Japan at Serbia, sa Tokyo Olympics sa pamamagitan ng continental quota.

Ang top three finishers lamang sa bawat weight class ang makakakuha ng Olympic berth para sa 2021 Tokyo Games na nakatakda sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8

Isang 0-2 pagkatalo naman ang nalasap ni Orbon laban kay Carolina Arsenio ng Portugal sa women’s -61kg division.

SOUTHEAST ASIAN GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with