_ngayon
^
Eala naka-2 Grand Slam titles na
Hawak nina Alex Eala ng Philippines at Oksana S­elekhmeteva ng Russia ang kanilang tropeo.
STAR/File

Eala naka-2 Grand Slam titles na

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - June 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Muling iwinagayway ni Alex Eala ang bandila ng Pilipinas sa world stage matapos masikwat ang girls’ doubles title sa prestihiyosong French Open na ginaganap sa Stade Roland Garros sa Paris, France.

Nakatuwang ni Eala si Russian partner Oksana Selekhmeteva kung saan matikas na pinataob ng dalawa sina Russian Maria Bondarenko at Hungarian Amarissa Kiara Toth, 6-0, 7-5 demolisyon sa finals.

Walang sinayang na sandali sina Eala at S­elekhmeteva nang pulbusin nito sina Bondarenko at Toth sa first set.

Ito ang nagsilbing regalo ni Eala sa bansa sa ika-123 Independence Day ng Pilipinas.

“Sa lahat ng mga Pinoy na nanood, maraming sa­lamat sa suporta. It’s a­ctually the Independence Day today (in the Philippines) so I hope that I made my contribution to the country,” ani Eala.

Si Eala ang pinakamatagumpay na juniors player sa kasaysayan ng Pilipinas matapos makasungkit ng dalawang Grand Slam titles.

Una nang nakuha ni Eala ang kanyang first Grand Slam noong nakaraang taon matapos magreyna sa Australian Open juniors girls’ doubles kasama si Indonesian partner Priska Madelyn Nugroho.

ALEX EALA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with