_ngayon
^

PSN Palaro

Pacquiao ilalabas ang bagsik vs Spence—Fortune

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pacquiao ilalabas ang bagsik vs SpenceâFortune
Errol Spence Jr. at Manny Pacquiao
AFP photos

MANILA, Philippines — Patutunayan ni Manny Pacquiao kung bakit ito eight-division world champion sa oras na makasagupa nito si Errol Spence sa Agosto 21 (Agosto 22 sa Maynila) sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Ayon kay strength and conditioning expert Justine Fortune, iba ang kalidad ni Pacquiao na hindi maikukumpara kay Spence.

Ipinaliwanag ni Fortune na kakaibang Pacquiao ang nasisilayan ng buong mundo sa tuwing sumasalang ito sa laban.

Eksplosibong Pacquiao na siyang tunay na humahatak ng mga boxing fans sa iba’t ibang panig ng mundo.

“Every time you got to a Pacquiao fight, it’s always explosion and excitement. That’s what Manny brings to fights (and) that’s why people love watching him. And that’s Pacquiao. We’ll get him in shape as fast, as agile as he always is and explosive and then some,” ani Fortune sa panayam ng Little Giant Boxing.

Matagal nang kasama ni Fortune si Pacquiao sa training at kabisado na nito ang estilo at galaw ng Pinoy champion.

Alam nito ang kapasidad ni Pacquiao kaya’t asahan na ang mabagsik na porma sa laban nito kay Spence.

“Win or lose, y’know, he goes down as the best fighter in history in the mo­dern era for sure. No one will ever do what he’s done ever,” ani Fortune.

Halos dalawang taon na nang huling sumalang si Pacquiao.

ERROL SPENCE MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with