_ngayon
^

National beach volleyball team susubok makakuha ng Olympic slot

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - June 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sisikapin nina national beach volleyball team members Sisi Rondina, Bernadeth Pons, Dij Rodriguez at Babylove Barbon na makahataw ng tiket para sa 2021 Olympic Games.

Sasabak ang mga tambalan nina Rondina at Pons at ang dalawahan nina Rodriguez at Barbon sa Asian Volleyball Confederation (AVC) Continental Cup, isang Olympic qualifying tournament, na nakatakda sa Hunyo 18-19 sa Nakhon Pathom province sa Thailand.

Makikita rin sa aksyon ang tandem nina Jaron Requinton at James Buytrago at ang pagsasanib nina Jude Garcia at Anthony Arbasto sa men’s division.

“We are hoping for a strong finish for our men and women beach volleyball teams in this Olympic qualifier,” wika ni Philippine National Volleyball Federation (PNVF) president Ramon “Tats” Suzara.

Makakaharap ng mga Pinay spikers ang mga tropa ng Japan, New Zealand at Sri Lanka kung saan ang top two teams ay aabante sa final phase na nakatakda sa Hunyo 25-27.

Lalabanan naman ng mga Pinoy bets ang mga koponan ng Australia, Japan, Kazakhstan at Lebanon.

OLYMPIC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with