_ngayon
^

FIBA ACQ delegates dumating na

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - June 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagsimula nang dumating kahapon ang iba’t ibang delegasyong sasabak sa FIBA Asia Cup Qualifiers na idaraos mula Hunyo 16 hanggang 20 sa Clark, Pampanga.

Unang dumating ang Indonesia sa pangunguna ni Serbian head coach Rajko Toroman kasama si natura­lized player Lester Prosper na isa sa mga inaabangan sa lineup ng Indonesian squad.

Sa paglapag pa lamang ni Toroman sa Pilipinas, wala itong bukambibig kundi magagandang salita para sa Gilas Pilipinas.

Hindi na bago si Toroman sa sistema ng basketball sa bansa dahil naging coach na rin ito ng Gilas Pilipinas sa nakalipas.

“We arrived early morning, then the coaching staff and the players will arrive today,” ani Toroman.

Naniniwala si Toroman na malakas ang bagitong tropa ng Gilas Pilipinas lalo pa’t nariyan sina Angelo Kouame at Kai Sotto.

“The Philippines will be very strong. This young squad is extremely talen­ted, athletic and hungry, especially with Kouame and Sotto,” ani Toroman.

Maliban sa Indonesia, nakatakdang dumating kahapon ang South Korea, Japan at China.

FIBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with