_ngayon
^

National athletes makakapag-ensayo nang husto

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - June 14, 2021 - 12:00am

Sakaling iurong sa 2022 ang Sea Games

MANILA, Philippines — Magkakaroon ng bentahe ang Team Philippines sakaling tuluyan nang maiurong sa 2022 ang pagdaraos ng Vietnam sa 31st Southeast Asian Games.

Ito ang sinabi ni Philippine Sports Commissioner at SEA Games Chef De Mission Ramon Fernandez matapos hilingin ng Vietnam sa 10 pang miyembro ng SEA Games Federation Council na itakda ang biennial event sa Hulyo ng susunod na taon.

Ito ay dahil sa pagtaas ng kaso ng mga nagpo­po­sitibo sa coronavirus disease (COVID-19) sa kanilang bansa.

“Definitely it will be a big advantage for us,” wika ni Fernandez. “We can go back to the normal way of training. I supposed definitely by then all our athletes would have been vaccinated already.”

“They can go back to normal way of training and preparing and more than enough time already to prepare for the games,” dagdag ng dating four-time PBA MVP awardee.

Sa idinaos na video conference meeting ay walong bansa ang bumoto para matuloy ang Vietnam SEA Games sa itinakdang petsa sa Nobyembre 22 hanggang Disyembre 2.

Ang walo ay ang Pilipinas, Thailand, Singapore, Malaysia, Brunei, Cambodia, Indonesia at Timor Leste.

Wala pang itinakdang petsa ang Vietnam hinggil sa kanilang magiging pinal na desisyon.

Sa susunod na taon ay nakaiskedyul ang Winter Olympics sa Pebrero 4-20 sa Beijing, China, ang Asian Indoor and Martial Arts Games sa Marso 10-20 sa Thailand at ang Asian Games sa Setyembre 10-25 sa Hangzhou, China.

SOUTHEAST ASIAN GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with