_ngayon
^

PSN Palaro

Panlilio tiwalang may gold ang Pilipinas sa Tokyo

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Panlilio tiwalang may gold ang Pilipinas sa Tokyo
Al Panlilio
STAR/ File

MANILA, Philippines — Tiwala si Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio na makasusungkit ng gintong medalya ang Team Philippines sa Tokyo Olympics na magsisimula sa Hulyo 23.

At dahil sa malakas na delegasyon ng Pilipinas, umaasa si Panlilio na hindi lamang isa kundi mas maraming ginto ang makuha ng Pinoy athletes sa quadrennial meet.

“Can we just aim for one? Sana more. I think everybody has a chance,” ani Panlilio.

Babanderahan nina Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz ng weightlifting at world champion gymnast Caloy Yulo ang kampanya ng Pilipinas.

Kasama ng dalawa sina flyweight Carlo Paalam, middleweight Eumir Marcial, flyweight Irish Magno at featherweight Nesthy Petecio ng boxing, pole vaulter EJ Obiena ng athletics, finweight Kurt Barbosa ng taekwondo, Cris Nievarez ng rowing, at skateboarder Margielyn Didal.

“We have great potential in Caloy Yulo; Hidilyn was almost there in Rio. Yuka Saso won the US Open just recently, and she also trains in Japan. It’s her backyard. We also have the boxers and Kurt,” dagdag ni Panlilio.

Nadagdag pa sina golfer Bianca Pagdanganan at Juvic Pagunsan, at si Elreen Ando ng weightlifting.

Inaasahang madaragdagan pa ang delegasyon ng bansa sa oras na makumpirma na ang iba pang nag­kwalipikang Pinoy athletes.

Kasalukuyang sumasalang ang karate team sa Olympic qualifying sa Paris, France.

TOKYO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with