_ngayon
^
Suerte minalas nang ma-injure sa Calamba
Rey Suerte
UAAP

Suerte minalas nang ma-injure sa Calamba

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - June 11, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ilang araw bago magsimula ang FIBA Asia Cup Qualifiers sa Clark, Pampanga, panibagong dagok na naman ang natamo ng Gilas Pilipinas.

Ito ay matapos magtamo ng ankle injury si Rey Suerte sa training camp ng Gilas Pilipinas sa Ins­pire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

Dahil sa injury, posibleng hindi masilayan sa aksyon si Suerte sa third window ng qualifiers na idaraos sa Hunyo 16 hanggang 20.

“Swelling is significant,” ani Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) Program Director Tab Baldwin.

Sinabi ni resident trainer Dex Aseron na manga­ngailangan ng isa hanggang dalawang linggong pahinga si Suerte para makarekober ng husto sa kanyang injury.

Kamakailan lamang ay pinangalanan si Suerte bilang team captain ng Gilas Pilipinas.

Nauna nang nagtamo ng injury sina Dave Ildefonso at Matt Nieto.

Ngunit tiwala pa rin ang Gilas Pilipinas coaching staff dahil malalim ang lineup ng tropa.

Sasalang sa tatlong laro ang Gilas Pilipinas kung saan isang panalo lamang ang kailangan nito para pormal na makapasok sa FIBA Asia Cup proper na gaganapin sa Agosto sa Jakarta, Indonesia.

Dalawang beses makakasagupa ng Pilipinas ang South Korea sa Hunyo 16 at 20 - at isa naman laban sa Indonesia sa Hunyo 18.

Malapit nang makumpleto ni Kai Sotto ang quarantine period nito.

Subalit nakasalalay pa rin sa Gilas Pilipinas c­oaching staff kung isasalang ito sa Clark qualifiers.

FIBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with