_ngayon
^

PSN Palaro

Handball team tuloy sa ensayo

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tuloy lang ang national handball team sa training sa kabila ng posibleng postponement ng 2021 Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Dedesisyunan ng Vietnam SEA games organizing committee sa susunod na linggo kung itutuloy o kakanselahin ang biennial meet na nakatakda sana sa Nobyembre.

Gayunpaman, tuloy lang sa ensayo ang handball team. Sa katunayan, nakakasa na ang ‘bubble training camp’ nito sa Hulyo sa Pagudpod, Ilocos Norte.

Hinihintay na lamang ng asosasyon ang go signal ng Philippine Sports Commission para masimulan ang ensayo.

Binubuo ang tropa ng 10 miyembro na nag-aasam na malampasan ang tansong medalya nito noong 2019 SEA Games.

“Napakalaki ng chance natin na muling magka-podium finish o gold medal,” wika ni coach Luz Pacubas, sa lingguhang TOPS Usapang Sports on Air.

“Base sa last SEAG, yung nakalaban natin ang powerhouse na Thailand, natalo lang tayo ng 1 point sa isang set, habang sa Vietnam naman ay 2 points lang, so mako-consider na ang Vietnam ay nag-qualify sa world stage kaya tingin ko may laban tayo,” dagdag nito sa programang suportado ng PSC, Games and Amusement Board (GAB) at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Apat na events ang paglalabanan sa Vietnam SEA Games subalit sa men’s beach category lamang makalalahok ang Pilipinas.

Walang entry ang Pinoy squad sa men’s at women’s indoor, at women’s beach division.

SEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with